Limang Paraan kung Paano ka Makatutulong sa Kalikasan

Ano nga ba ang kahulugan ng kalikasan? Ang kalikasan ay gawa ng Diyos. Ito ay isang yaman ng ating mundo na dapat ingatan at alagaan. Kahit saan ka tumingin ay makakakita ka ng mga puno, bulaklak, halaman, ibon, at mga hayop. Kung walang mga puno, yamang tubig at lupa,mabuhay kaya tayo?

Mahalaga ang ating Kalikasan dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit tayo nakakalanghap ng sariwang hangin. Kung walang mga puno ay walang malinis na hangin tayong malalanghap at puro maduduming hangin lamang. At sa kalikasan tayo kumukuha ng ating mga ikakabuhay. Saan ba tayo kumukuha ng mga tubig na ating ginagamit pang-inom, panluto, panligo at iba pa? Hindi ba sa mga puno o mga yamang tubig? Kung wala ang mga ito Hindi tayo mabubuhay. Ang tubig ay napaka importanting sangkap sa ating buhay, at napakaganda ng ating kapaligiran dahil ito ang biyaya ng puong maykapal.Ako ay may limang paraan upang ako ay makatulong sa ating kalikasan at iyon ay:

  • Matuto tayong magwalis araw-araw sa ating bakuran upang mabawasan ang mga dumi at basura sa ating paligid.
  • Pag nagtatapon tayo ng basura dapat nasa tamang lagyanan.
  • Gumamit ng 3R’s dahil ito ay nakakatulong sa atin upang tayo ay mas maging malikhain at susi ito upang ang ating kalikasan ay mas manatiling maganda.
  • Iwasan ang magsunog ng mga plastik at goma
  • Magtanim ng maraming kahoy at halaman

Design a site like this with WordPress.com
Get started